Total Pageviews

Saturday, January 14, 2012

Pasay ng buhay ko

Kay ganda ng Pasay para sa akin .Dito mo makikita ang mga ilang malalaking establisimento gaya ng MOA na halos hindi mahulugang karayom ang taong dito'y pumupunta upang mamasyal, may mga pasyalan  para sa mga bata at may hang out din para sa mga taong nais mag relax.Nandiyan ang simbahan na laging pinupuntahan lalo na tuwing miyerkules.Hindi ko na babanggitin pa sa pagkakataong ito ang mga ilan dahil hindi naman ito ang nais kong malaman nyo lalung lalo na yung mga pamunuan ng Pasay.
Ito ay  mga tunay na pangyayari sa buhay ko sa Pasay.Siguro kayo rin ay may mga karanasan na di kanais nais  sa lugar na ito.
Una,sa Pasay ko naranasan ang mahold-up at ito ay nangyari mismo sa loob ng bus habang binabagtas ang buendia patungong Baclaran.Akala ko  nga eh katapusan ko na dahil nakatutok sa akin ang isang balisong habang nililimas ang aming mga gamit.Nakuha sa aking ang cellphone at bag maging ang kaunti kong pera.
Mga kasamahan sa bus ay wala ring nagawa kundi ibigay ang kanilang mga gamit.
Pangalawa,Nasaksihan ko mismo ang isang ginang na hinahablot ang kanyang kwintas habang pasakay ng bus na siya ko ring sinasakyan ng mga sandaling yaon.Kawawang ginang ...hagulgol habang nasa loob na sya ng bus.
Pangatlo,Ipit gang sa bandang Pasay taff.Kawawa rin yung kasama kong pasahero dahil nabiktima siya ng ipit gang na binubuo ng lima o anim na katao.Nakuha sa kanya ang isang mamahaling cellphone.
Pang -apat,Slasher naman ...diyan din sa pasay taff.Habang tulog ka dahil sa pagod sa trabaho,hala pag natiyempuhan ka ng slasher tiyak butas na ang iyung bag,pantalon at kung anu ano pa.Saksi  po ako diyan pero wala akong magawa dahil baka ako ang balingan nila.Nagsumbong ako sa konduktor pero takot din  naman baka raw sila balikan.haaay buhay.
Pang -lima,sa  may coastal mall,kawawa naman yung mga pampasaherong bus at jeep dahil sa dami ng kotongero diyan.Kapag hindi ka nagbigay tiyak butas ang gulong ng iyung sasakyan.Yung mga bus naman ay binabato ng mga barker dahil doon sumasakay yung mga pasahero.Nag -away pa nga ang konduktor at barker noon eh.Saksi ko uli sa pagkakataong iyon.Pero ang nakakapagtaka may pulis naman doon.
Marahil kayo rin ay may mga ganitong pangyayari sa inyong buhay o sa mga ibang tao....marami yan tiyak ko.
Wish ko lang po sa pamunuan at kapulisan diyan.Alagaan po ninyo ang mga taong diyan ay pumupunta.Mga pulis ...galingan naman po ninyo ang pagbabantay,maging masigasig.
Gawin nating tahimik ay payapa ang lugar na iyan lalong lalo ang kalinisan.Ang baho diyan sa harap ng simbahan...ang panghi pa.Ang daming iskwater na natutulog diyan sa gilid ng daan malapit sa over pass.
Its more fun in the Philippines yang ang binabandera natin...eh paano kaya pag napasyal sila ng Pasay?
Maranasan kaya nila ang fun o ang naranasan ko.Wake up call sa LGU ng Pasay.ditolangyansapinas.


Wednesday, November 30, 2011

Cavite City isang wake up call

Cavite Market Wake up  call

Hay naku po ano ba yan mayor!Ang baho baho ng palengke.Paano ka naman gaganahan sa pamamalengke kung sa pagbungad mo pa lamang ay singhut mo  ang buong baho ng lugar.
Paano ba naman ,hinayaan mong gawing basurahan ang mismong bukana ng pamilihan kaya hayun lahat ng basura ,ke bulok na gulay .hasang ng isda mga bulok na karne at dumi ng tao haaaaaayyyyyy talaga naman umaalingasaw.Gusto mo yatang muling ma Tulfo noh!! Ikaw din.
Suggest ko lang mayor eh kung mag aagree ka….pasensiya na kung walang nag aadvice sa iyo ng tamang solution o dili kaya ay wala ring kwenta ang mga adviser mo o higit sa lahat nag bubulag bulagan ka sa katotohanan.Ang liit ng palengke pero hindi mo maayos at mapanatili ang kalinisan.
Ang tagal tagal ko ng nagtitinda dyan pero hanngang ngayon yung mga nawawalang mga bakal ng mga drainage system sa loob  mismo ng mga stall nag kanda walaan na pero ni isa wala parin nahuhuli kung sino ang salarin.May mga guwardiya kuno pero wala ring silbi.eh  kasi hindi naman sila nag babantay.nagkukumpol kumpolan lang lahat doon sa isang lugar para magkwentuhan.
Heto pa ang ibang problema dyan.Sobrang trapik lalo na dito malapit sa EN EN  grocery patungong palenke wala ka bang solusyon dyan?Malimit ka rin namang mamili dyan eh kaya dapat ramdam mo at alam mo ang sitwasyon,pero malamang nga hindi mo alam kasi lagi kang  nakasakay sa government vehicle na de aircon kaya hindi ramdam at amoy ng umaalingasaw na basura tuwing tutunga  ka sa lugar.
Dito sa bandang Carlos drugs patungong palengke….grabe  as in grabe naman ng sitwasyon diyan ,eh paano  naman yung mga tambay dyan eh nagka kara krus dyan mismo sa daraanan,dyan din  natululog yung mga skwater.Imbes na daanan ng mga mamimili eh ginagawang tulugan tirahan.
Kapag naka gayak ka ng maayos at mabango tapos tutungo sa palengke ….dios kopo por santo 100% garantisado yang suot mong damit kakapit at kakapit ang baho ng palengke.Baka balang araw tuluyan ng magsara yan dahil sa kapabayaan at mahal ng upa ng pwesto idagdag ko pa.
Wake up call mayor!!!!
Eto po ang suggestion ko diyan bilang isang mamamayan  ng Cavite city na concern sa kalagayan ng palengke na ang nais lamang ay mapabuti ang kalinisan at kaayusan para naman dayuhin ng mga mamimili at sumigla  na ang aandap andap na palengke ng cavite.
Panatilihin mo sanang maluwag ang daan patungong palengke sa paraang bawal ang magparada ng sasakyan dyan  siya man ay mamimili o hindi.Payuhan silang doon sa bakanteng lote sila pumarada.
Huwag gawin tindahan  yang lugar na iyan.turuan  ang mga tindero at tindera doon sa loob ng palengke magtinda at huwag sa daan mismo dahil nag ca cause ng trapik.
Ipagbawal ang nagsusugal sa lugar malapit sa Carlos drugs at paalisin ang mga nakatira dyan sa daanan na iyan.
Ikalat o ipwesto ang mga gwardiya ng tama at huwag kumpol kumpol lalo na sa gabi upang maiwasan ang nakawan.
Simple lang poi to mayor pero tiyak ko gaganda ang palengke ng Cavite city.

Gising mayor habang may panahon pa remember binoto kita during election dahil may tiwala ako sa iyo.mabuhay ka.kaya mo yan...ditolangyansapinas

Tuesday, September 27, 2011

Hinagpis

Ewan ko ba kung ako ay maiinis sa kumpanyang pinapasukan ko.Mag pipitong taon na ako sa trabaho at gusto ko yung trabaho.Sa kabila ng super pressure ng trabaho tumagal ako ng ganitong taon.Ang hindi ko lang masikmura ay ang prosesong hindi lubos matanggap ng isipan ko.Uso baga yung palakasan,malapit sa kusina at kung anu ano pang katawagan.Hindi na kasi uso ngayon ang terminong sipsip eh ...basta ganun ang tawag sa mga malapit sa mga boss at may kilala.Imagine...oy english word to ah ang lalaki ng offer sa kanila at my ranking pa hay naku.Okey lang sana kung maituturing mong mahusay pero hindi naman.Pagdating sa trabaho hay naku uli walang alam at ang hina ng judgement ano ba yan nakuha nyo bossing.Ang siste ikaw na senior sa trabaho siyempre ikaw ang magtuturo.Tinuturuan mo ang malaking sahod kaysa sa iyo wah wah wah ang sakit pre.Bossing pansinin mo naman kami.Ditolangyansapinas.

Friday, April 15, 2011

alipin

Sabi nila ang maging alipin sa ibang bansa ay hindi maganda lalo na at ikaw ay inaabuso ng amo mong banyaga.Sa kabila nito nito, ang malaking halaga na siyang ipinapadala sa inang bansa ay malaging bahagi sa pag unlad ng bansa.
Dito sa Pilipinas,dama mo rin ang pagka alipin.Kapag ikaw ay nangangamuhan nawawala ang iyong kalayaan.Lahat ng nais ng amo mo susundin mo at wala kang magagawa dahil maging gobyerno ay di kakampi sa iyo.Halimbawa na lang,sa ibang bansa kung ayaw mong mag overtime ay wala magagawa ang amo mo dahil karapatan mong umayaw.Dito sa Pilipinas,kung ayaw mong mag overtime ay hindi pwede dahil nasasakop ng batas na kapag may overtime dahil kailangan ay wala kang magagawa kundi sumunod dahil yan ay nakatakda sa batas ng Pilipinas.Sa ibang banda,maliit naman ang sinasahod mo.

Kaya naman kahit nasa bansa ka dama mo ang pagka alipin.Mas mabuti pa ang maging alipin sa ibang bansa dahil alam mong sila ay dimo kalahi pero ang kapalit ay dolyares kaysa dito sa Pilipinas maliit na ang sweldo alipin kapa ng gobyerno.

kung sabagay ditolangyansapinas

Thursday, February 10, 2011

What is love

Love  is can never be define however it can be express and it can be describe....Ditolangyansapinas

Friday, October 29, 2010

Biktima ng Budol budol

        Tandang tanda ko pa ang lahat.Sa edad na beinte anyos ng aking maranasan ang lupit ng budol budol gang.Naglalakad ako ng mga sandaling yun sa harapan ng isang pampublikong paaralan sa QC patungo sa paradahan ng jeep patungong bayan upang sunduin ang aking mga pinsan na nag-aaral.May lumapit sa akin na isang binatilyo at nagtanong kung saan makabibili ng motor para sa palayan.Dagli akong sumagot at sinabing diyan sa bayan.Nagpasalamat naman ang binatilyo sa akin habang ako ay papalayo sa kanya.May isang mamang sumalubong sa aking at nagsabing....boy! ano ang tinanong ng batang yun.Ang sabi ko,ah saan daw makabibili ng motor para sa palayan.Tulungan natin siya kawawa naman ang mabilis niyang sabi.....itutuloy

Tuesday, October 26, 2010

Salbaheng Bus Driver

Minsan aking nasaksihan dito sa harapan ng sikat na mall ang isang aksidente na kinabibilangan ng bus driver at pasaherong babae.Ang siste,Bawal magsakay ng pasahero sa harapan ng mall dahil may tamang sakayan at babaan sa nasabing lugar.Hapon na ng sumandaling yun kaya naman rush hour at ang dami daming pasahero.Dumaan ang isang air conditioning bus ng oras na yun at may isang babae na pumara para sumakay.Bumukas ang pinto ng bus at habang dahan dahang tumatakbo iniunat ng konduktor ang kanyang kamay upang alalayan ang babae sa kanyang pagsakay.Paghakbang paakyat sa bus ay biglang nadulas ang babae at siya ay kinaladkad ng bus habang hawak hawak ang kamay ng babae ng konduktor.Kitang kita ko ang pangyayari kung paano kinaladkad at paikot ikot na gumulong ang kawawang babae sa daan na halos basang basa ang daan dahil katatapos lamang ng ulam.Alam nyo ba! hindi huminto ang bus at nagpatuloy sa pagtakbo at iniwan ang kawawang babae sa daan.At ng siya ay tumayo siya'y mangiyak mangiyak habang kinokomport ng kanyang mga kaibigan.Hoy bus driver!magbago ka sana.....ditolangyansapinas